Patay ang isang truck driver at kaniyang pahinante matapos makuryente sa Cadiz City, Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang mga biktima na si Eddie Dejito at Ronnie Antojado.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, sumabit sa kable ng kuryente ang mga tubong karga ng truck na sinasakyan ng dalawa.

Dinala sa ospital ang dalawang biktima pero idineklara silang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.  —KBK, GMA Integrated News