Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng tatlong lalaki sa donation box ng isang simbahan sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat ni Cyril Chaves sa Unang Balita nitong Martes mula sa GMA Regional TV One Mindanao.

Sa video, makikitang naglalakad sa loob ng St. Augustine Metropolitan Cathedral ang tatlong kabataang lalaki na tila may hinahanap. Maya-maya, makikitang ninakaw na ng tatlo ang donation box.

ADVERTISEMENT

Sa kisame raw ng isa sa mga palikuran ng simbahan dumaan ang mga suspek para makapasok.

Ayon sa parish priest ng simbahan, hindi ito ang unang beses na sila ay nanakawan ng donation box. 

Pinaghahanap na ng mga pulis ang mga suspek. —KBK, GMA Integrated News