Dalawang sunog na bangkay--isang babae at isang lalaki--ang natagpuan sa bakanteng lote sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Nasugbu Police Station Deputy Police Captain Judito Baligod, isang security guard ang nakakita sa mga bangkay.

ADVERTISEMENT

Itinapon lang umano sa lugar ang mga biktima at doon sinunog dahil sa nakitang takip ng gasoline container sa lugar.

“Ito ay itinapon lang sa lugar and then binuhusan ng gasoline and sinunog po,” pahayag ng opisyal sa ulat ni Cedric Castillo sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Linggo.

Patuloy pang tinutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40.

Naghahanap na rin ang mga imbestigador ng CCTV footage sa lugar. Ang mga residente sa lugar, wala umanong napansin sunog o usok sa lugar. — FRJ, GMA News