Patay ang isang binatilyo matapos mahulog sa bangin sa Bangued, Abra habang nagbibisikleta, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Bandang 11 p.m. noong Biyernes nang magtuloy-tuloy sa pakurbang kalsada ang 14-anyos na biktimang si Kevin Abanilla.

Halos 10 metro raw ang lalim ng banging pinagbagsakan ng biktima.

Ayon sa kamag-anak ni Kevin na kasama niya nang maganap ang aksidente, walang preno ang bisikletang ginamit ng binatilyo. —KBK, GMA Integrated News