Patay sa pamamaril ang isang barangay chairman sa Lipa City, Batangas, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Makikita sa kuha ng CCTV na nagbababa ng paninda mula sa pickup ang biktimang si Vivencio Palo nang biglang dumating ang isang kotseng lulan ang mga saralin at pagbabarilin siya.

Sa tindi ng tama nalaglag ang biktima mula sa pickup.

Dinala sa ospital si Palo pero binawian din siya ng buhay. Samantala, nakatakas naman ang mga salarin. —KBK, GMA Integrated News