Bangkay na nang matagpuan ang isang babae sa irrigation canal sa Kananga, Leyte nitong Sabado, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Natagpuan ng ilang magsasaka ang palutang-lutang na katawan ni Maricel Edaño, 35, at ini-report ito sa mga opisyal ng barangay.

ADVERTISEMENT

Base sa imbestigasyon ng pulisya, umalis ng bahay si Edaño para kumuha ng mga panggatong bandang 3 p.m. nitong Sabado. Nakita ang kaniyang bangkay bandang 5 p.m.

Ayon sa mga kaanak, may epilepsy si Edaño at posible raw na nagka-seizure siya habang nasa ilog at nalunod. —KBK, GMA Integrated News