Nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation ang mahigit P8.7 milyong halaga ng umano'y shabu sa Jaro, Iloilo.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, batay sa ulat ng Super Radyo Iloilo, sinabing nahuli ang itinuturing na high-value target na si Estellita Bueno, alyas "Madam Ester."

Nakahalo raw sa bagahe ng suspek ang limang sachets ng hinihinalang shabu.

ADVERTISEMENT

Nakuhaan rin umano ng droga ang kasama nitong kinilalang si Noel Llagas Jr.

Depensa ni Bueno, napag-utusan lang daw siyang dalhin ang bagahe kapalit ng pera, at hindi niya alam na droga ang laman nito. 

Hindi nagbigay ng pahayag si Llagas. —LBG, GMA Integrated News