Arestado ang isang pari sa Bacolod City dahil umano sa panggagahasa sa isang menor de edad na babae.

Iniulat sa Unang Balita nitong Huwebes, batay na rin sa report ng GMA Regiopnal TV One Western Visayas,  nangayri umano ang krimen sa Barangay Estefania  ng lungsod.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, noong nakaraang taon pa nagsampa ng reklamo ang 17-anyos na babaeng biktima, matapos umano siyang gahasain sa loob ng kumbento sa simbahan sa Sagay City kung saan dating nadestino ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa Sagay City Police Station ang pari, at hindi pa siya nagbigay ng pahayag.

Sa inilabas na pahayag ng Diocese of San Carlos, sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza na hinidi nila pahihintulutan ang ganitong mga gawain.

Handa rin daw tumulong ang diocese sa imbestigasyon.

Suspendido ang lahat ng pastoral duties ng pari habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa reklamo laban sa kanya. —LBG, GMA Integrated News