CANDELARIA, Quezon — Arestado ang isang 42-anyos na mekaniko na kinilalang si Michael Dakila, at ang isang 38–anyos na construction worker na si Leovernie Quitanna na pawang mga residente sa bayan na ito.

Nasamsam mula kay Dakila at Quitana ang mga sachet ng shabu sa isinagawang drug buy bust operation.

Ayon kay Police Lt Col. Dennis De Leon, hepe ng Candelaria MPS, dalawang operasyon ang kanilang ginawa nitong March 29 ng gabi.

Isa dito ay sa isang sementeryo pa naganap kung saan ay aabot sa P2,778,000 ang halaga ng shabu na nakuha.

Nakuha rin sa mga suspek ang marked money na ginamit.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek. —LBG, GMA Integrated News