Itinumba ang kagawad ng isang barangay sa Parang, Maguindanao del Norte, kung saan nauna nang pinatay ang chairman ng lugar noong Enero.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, kita sa kuha ng CCTV nang lapitan ang biktima ng isang lalaki sa pulang kotse, saka siya pinaulanan ng bala.

Isa pang lalaki ang dumating at pinagbabaril din ang kotse, saka sila tumakbo palayo.

Patay ang kagawad ng Barangay Polloc na si Abdul Malik "Loy" Uban. Kritikal naman ang kanyang misis.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Nitong Jan. 30, namatay rin sa pananambang ang chairman ng Barangay Polloc at kanyang misis. — BM, GMA Integrated News