Patay na at natagpuang nakabitin sa mga kawad ang isang lalaki na posibleng nagtangkang magputol ng linya ng telco sa Naga, Camarines Sur nitong Biyernes Santo. Ang lalaki, nahuli na rin dahil umano sa pagputol at pagnanakaw ng kawad.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabi ng pulisya na napahawak sa kawad ng kuryente ang lalaki noong posibleng magtangka siyang magputol ng linya ng telco.
 
Nakakuha rin ang mga awtoridad sa lugar ng ilang kawad ng telco na naputol na umano ng lalaki. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News