Patay ang dalawang aso sa Rizal, Zamboanga del Norte matapos iligtas ang buhay ng kanilang amo mula sa isang ahas, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Ayon sa may-ari ng mga aso, tutuklawin sana ng isang king cobra ang kaniyang ama nang makita ito ng mga alaga niya.

Kinagat daw ng mga aso ang ahas pero sa kasamaang-palad ay natuklaw sila na naging sanhi ng kanilang pagkamatay kalaunan. —KBK, GMA Integrated News