Isang lalaki ang namatay matapos makuryente habang nagpapalipad ng saranggola sa Catanauan, Batangas.

Ayon sa ulat sa "Saksi," nagpapalipad ng saranggola ang biktimang si Darwin Rogel nang madikit ang kanyang katawan sa live wire na nakalambitin sa isang bakanteng lote.

ADVERTISEMENT

Dinala siya sa ospital ngunit dineklarang dead on arrival.

"Nauunawaan naman po ng family kasi hindi naman po sinasadya 'yung pangyayari," sabi ni Police Maj. Lawrence Panganiban, chief of police ng Catanauan. —NB, GMA Integrated News