Gamit ang kaniyang padyak, bumiyahe ang isang lalaki ng 66 araw mula Bukidnon hanggang Zamboanga City habang tinutupad ang kaniyang travel goals.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Saksi, sinabing nagsisilbi na ring tirahan ni Neiljhay Matuding ang kaniyang padyak, na kaniyang ginagamit sa pagtitinda ng pandesal.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Matunding, malayo na siya sa kaniyang inang nasa abroad, samantalang nasa ibang kamag-anak na ang lola na nag-aalaga na sa kaniya.

Dagdag ni Matunding, nagagamit niya ang pamamasyal sa paglaban sa nararanasang depresyon.

Nakakahanap si Matunding ng suporta mula sa mga nanunuod ng kaniyang videos online kahit mag-isa sa paglalakbay.

Isusunod ni Matunding ang Tawi-Tawi sa kaniyang travel list. —LBG, GMA Integrated News