Magkasunod na natagpuan sa loob ng isang linggo ang mga bangkay ng dalawang babae, ang isa ay sa isang 9-anyos, sa magkahiwalay na lugar sa Tagum City, Davao Del Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na inilabas Unang Balita nitong Huwebes, sinabing  ang unang natagpuan ay ang bangkay ng 9-anyos malapit sa isang elementary school sa Barangay Apokon, Tagum noong April 21.

Ayon sa mga pulis,  ihinatid lamang ng biktima ang kanyang nakababatang kapatid sa eskwelahan at hindi na siya nakauwi. Nakita ang kanyang bangkay matapos ang apat na araw na paghahanap sa kanya.

ADVERTISEMENT

Base sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong ginahasa ang biktima. Isa umanong dayo na may problema sa pag-iisip ang person-of-inrest sa krimen.

Natagpuan naman ang bangkay ng isang 18-anyos na babae sa Barangay Magugpo North sa parehong lungsod.

Base sa imbestigasyon, may nakakita sa biktima na sinalubong ng isang lalaki habang pauwi ito mula sa pinagtatrabahuang massage parlor noong April 23.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan an sumundong lalaki.

Hindi magka-ugnay ang dalawang insidente, ayon sa mga pulis.

Pinaiigting na umano ng Tagum City Police ang pagpapatrolya sa gabi at hinihigpitan na ang pagpatutupad ng curfew para sa mga menor de edad. —LBG, GMA Itegrated News