Nasawi ang dalawang alagang baka matapos mabagsakan ng mga nabuwal na puno dahil sa pananalasa ng buhawi sa Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nasira rin ang ilang bahay at mga bangkang de motor nang mabagsakan ng mga puno.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente. Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News