Sugatan ang driver, at isang pasahero ng isang kotseng bumaliktad sa Andaya Highway, Barangay Comadaycaday, Del Gallego, Camarines Sur pasado ala-sais ng umaga nitong Sabado.

Ayon sa Del Gallego Municipal Police Station, patungo sana sa Bicol ang kotse nang mawalan ng control sa manibela ang driver nito.

ADVERTISEMENT

Mabilis raw ang takbo nito sa pakurbang bahagi ng highway dahilan upang ilang beses itong gumulong hanggang sa bumaliktad.

Kaagad naman na na-rescue ang mga sakay ng kotse at naisugod sa pagamutan sa Tagkawayan, Quezon.

Wala namang ibang nadamay sa aksidente. Ligtas na ang driver at ang pasahero. —LBG, GMA Integrated News