Isang lalaki ang inaresto kaugnay sa pagpatay at panggagahasa sa isang babaeng walong-taong-gulang sa Lucena City, Quezon. Ayon sa pulisya, nagtungo pa sa barangay ang lalaki at nagreport tungkol sa nakitang bangkay.

Sa ulat ni Deniece Abante sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Julius Baloaloa Rodas, 19-anyos, residente ng Barangay 4 sa nasabing lungsod.

Mayo 31 nang makita ang bangkay ng biktima na walang saplot sa isang bakanteng lote sa Barangay Gulang-Gulang.

Inutusan umano niya ang anak na bumili noong Martes ng gabi at hindi na nakabalik.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang bata na kasama ang isang lalaki na pumasok na isang kanto dakong 2:00 am noong Mayo 30.

Sa sumunod na kuha sa CCTV, makikita ang lalaki na mag-isa na lang na tumawid sa kalsada.

Ayon kay Police Lieutenant Ruben Ballera Jr. hepe ng Lucena City Police Station, umamin ang suspek na ginahasa niya ang biktima.

Kinabukasan, isang lalaki ang nagtungo sa himpilan ng barangay para ireport ang nakitang bangkay sa bakanteng lote.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na isang tao lang ang suspek at ang taong nagreport tungkol sa bangkay.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang suspek at ang pamilya ng biktima.--FRJ, GMA Integrated News