Ipinakita ng isang fur parent sa Guinobatan, Albay ang kaniyang pagmamahal sa alaga niyang pusa na kailangang maoperahan.

Sa ulat ng Balitang Bicolandia sa GTV News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing nagbebenta ng mga bracelet si Julianne Gabriel De La Rama para makaipon ng perang panggastos sa operasyon ng alaga niyang pusa na si "Mikmik."

Sa video, makikita ang isang paa ni Mikmik na may sugat at nilalagyan ng benda ni Julianne.

Ibinibenta ni Julianne ang kaniyang mga produkto mula P50 hanggang P100. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News