Tumilapon ang isang lalaki na tumatawid sa pedestrian lane matapos siyang mahagip ng motorsiklo sa Talisay City, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din ng Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood na tumatawid sa pedestrian lane ang biktima nang mabundol siya ng motorsiklo

ADVERTISEMENT

Natumba rin ang rider at ang kaniyang angkas.

Parehong dinala ang lalaki at ang rider sa ospital, samantalang nagtamo ng galos ang angkas.

Nagpasiya ang biktima na hindi na magsasampa ng reklamo matapos makipagkasundo sa kaniya ang rider.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News