Nauwi sa trahediya ang paglalaro ng tatlong bata sa dalampasigan matapos silang malunod sa dagat sa Davao City.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras Weekend nitong Linggo, sinabing idineklarang dead on arrival ang mga biktima nang isugod sa ospital.

Ayon sa pulisya, naglalaro ang mga bata (apat na taong gulang ang isa, at pitong taong gulang ang dalawa) sa dalampasigan nang bigla silang nawala noong Sabado.

Sa panayam ng GMA Super Radyo Davao sa Coast Guard District ng Southeastern Mindanao, sinabing dakong 8:00 pm nang matagpuang lumulutang ang mga katawan ng mga bata.-- FRJ, GMA Integrated News