Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang nangyaring pagnanakaw sa isang window type na aircon unit ng municipal health office ng Basista, Pangasinan.

Sa ulat ng Regional TV News nitong Biyernes, sinabing nadiskubre ng isang nurse ng barangay na wala na ang aircon nang pumasok siya noong Lunes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Hinihinala ng mga awtoridad na dumaan sa bintana ang mga kawatan para makuha ang aircon.

Susuriin nila ang CCTV camera sa lugar para matutukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa publiko na bawal at puwedeng maparusahan ang mga bibili ng nakaw na gamit.-- FRJ, GMA Integrated News