QUEZON - Ginanap nitong Sabado ng gabi sa Kamay ni Hesus Grotto sa Lucban, Quezon ang Easter Sunday Vigil at ang Salubong naman sa Linggo ng Muling Pagkabuhay nitong Linggo ng madaling araw.
Pinangunahan ng healing priest na si Fr. Joey Faller ang pagdiriwang. Libo-libong tao ang nakiisa.
Matapos ang Easter Sunday Vigil, sakto 12:00 a.m. ng Linggo, ay ginanap ang banal na Misa sa Pagsalubong sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Ito ay sinundan ng Salubong, ang pagsasadula ng pagkikita ni Birheng Maria at ni Hesus na muling nabuhay.
May mga batang nagbihis anghel at umawit. Unti-unting nagsalubong ang dalawang imahe at inalis ng isang anghel ang belong itim ni Maria na tanda ng pagtatapos ng pagluluksa nito.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ay nagliwanag ang kalangitan sa Kamay ni Hesus Grotto sa makulay na fireworks display.
Nagliwanag ang kalangitan sa makulay na fireworks display sa Kamay ni Hesus Grotto sa Lucban, Quezon sa pagdiriwang ng Salubong sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.
— peewee bacuño (@PeeweeBacuno) April 19, 2025
Courtesy: Audrey Javen Villa) @gmanews @gmanewsbreaking @dzbb pic.twitter.com/vEIkE3zK84
Ang makulay daw na pailaw ay simbolo ng kasiyahan dahil buhay na muli si Kristo. —KG, GMA Integrated News