"Epic fail" ang ginawang paghablot ng riding-in-tandem na snatcher sa isang bag matapos silang bumangga sa isang tricycle, at mabilis na tumakbo nang lapitan sila ng isang rider na napagkamalan naman nilang pulis sa Antipolo, Rizal.Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, makikita sa CCTV footage ang pagbangga ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang suspek matapos nilang mahablot ang bag ng biktima.Sa lakas ng pagbangga, natumba ang motorsiklo at nabitawan nila ang bag.Pero nang maibangon ng dalawa ang motorsiklo at muling sumakay, isang rider ang dumating at lumapit sa kanila.Tila nagulat at natakot ang dalawang suspek na mabilis na umalis sa motorsiklo at kumaripas na lang ng takbo sa pagtakas.Ayon sa mga saksi, inakala ng mga suspek na pulis na nakasibilyan ang rider na dumating.Napag-alaman na ang motorsiklo na iniwan ng mga suspek, nakaw rin lang at naisauli na sa tunay na may-ari.-- FRJ, GMA Integrated News