Patay na nang matagpuan ng mga rescuer ang isang batang lalaki na tinangay ng baha sa Tumahubong River sa Sumisip, Basilan.
Samantala, patuloy na hinahanap ng mga rescuer ang isang 11-anyos na batang babae na nalunod sa isang ilog sa Lamitan, Basilan nitong Biyernes.
Sa mga oras na ito ay patuloy na nakararanas ng masamang panahon ang mga residente ng Basilan.
Pinag-iingat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente sa posibleng flash flood at landslide.
Ang masamang panahon ay dulot ng Hanging Habagat. —KG, GMA Integrated News
