Naputulan ng kanang kamay ang isang binatilyo matapos niyang aksidenteng mahawakan ang isang live wire sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa "Balitanghali" nitong Martes, sinabing isinalaysay ng ina ng binatilyo na umakyat ang kaniyang anak kasama ang iba pa nang maaksidente.

Nagtamo rin ng mga sugat ang dalawang kasamahan ng binatilyo.

Kinumpirma ng power distributor na Negros Power na kanila ang linyang nahawakan ng bata.

Pinutol na ng mga tauhan ng Negros Power ang mga sangang nakasagi sa live wire.

Magpapaabot ng tulong-pinansiyal ang power distributor sa pamilya ng mga nasugatan.

Siniguro naman ng mga taga-barangay na mahigpit nilang pagbabawalan ang mga bata na umakyat sa mga puno. — Jamil Santos/BAP GMA Integrated News