Nasawi ang isang motorcycle rider matapos niyang sumalpok sa isang papatawid na SUV sa isang intersection sa Sumulong Memorial Circle sa Antipolo, Rizal.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, makikitang patawid ang kulay asul na SUV nang biglang bumangga rito ang motorsiklo.
Tumasik ang ilang gamit mula sa motor sa lakas ng pagtama. Isinugod ang rider sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.
Nagka-areglo na ang SUV driver at ang kaanak ng biktima kasunod ng insidente. — Jamil Santos GMA Integrated News
