Isa na namang bata ang muntik nang madisgrasya dahil sa biglang pagtawid sa kalsada.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, ipinakita ang nahuli-cam na insidente sa Barangay Magkasag sa Libagon, Southern Leyte noong Pebrero 12.
Sa video, makikita ang bata na biglang tumawid sa kalsada na walang pedestrian lane matapos na makaalis ang isang bus. Pero sa kabilang linya ng kalsada, isang SUV naman biglang dumating.
Mabuti na lang at naiwasan ng SUV ang bata at hindi niya natamaan.
Bumaba rin umano ang driver ng SUV upang tingnan ang kalagayan ng bata.—FRJ GMA Integrated News
