Kalunos-lunos ang sinapit ng isang delivery rider na nasawi matapos binaril at sinaksak ng magkapatid na sinasabing lasing sa Bocaue, Bulacan. Ang biktima, napag-tripan lang umano.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing napunta sa lugar ng mga suspek ang 40-anyos na biktima para lang mag-deliver ng produkto.

Madidinig pa sa CCTV camera ang pag-iyak ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isa sa mga suspek ang sumaksak umano sa biktima, habang binaril naman siya ng isa pa.

Nakatakas ang magkapatid pero naaresto rin kinalaunan. Hindi sila nagbigay ng pahayag.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng biktima. – FRJ GMA News