Libu-libong patay na dikya o jellyfish ang nakita ng mga tao sa baybayin ng Upper Lagoon sa Gulf of Tehuantepec sa Oaxaca, Mexico.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing ikinabahala ito ng ilang mangingisda na napansin na biglang humina rin ang kanilang mga nahuhuling isda nitong mga nagdaang araw.
Ipinaliwanag ng isang marine biologist na posibleng may kinalaman ang biglaang pagbabago ng temperatura ng tubig sa dagat sa pagkamatay ng mga dikya. – Jamil Santos/FRJ GMA News
