Kinagigiliwan ng netizens ang isang kambing sa Narvacan, Ilocos Sur dahil sa pagiging malabing nito sa kaniyang mga amo. Ang kambing, naulila na agad sa kaniyang ina nang isilang kaya inampon ng pamilya at inalagaan.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabi ni Liwliwa Collo, na pinangalanan nila ang malambing na kambing na Uly, na short for ulila.
Mahigit dalawang-buwang-gulang pa lang si Uly, at isang linggo pa lang itong isinisilang nang kanila nang kupkupin at pinatira sa bahay.
Ayon pa kay Liwliwa, namatay kaagad ang in ani Uly nang isilang ang kambing, at nag-iisa lang itong anak kaya wala na talagang kasama.
Dahil sa bahay nakatira, tila aso kung maglambing at makipaglaro si Uly.
Ginigising din niya ang kaniyang mga amo, lalo na kung nagugutom siya.
Hindi talaga ordinary kambing si Uly dahil sa halip na damo, mga pagkain din ng tao ang mahilig niyang kainin. Ang kaniyang miryenda, biskuwit.
Sabi pa ni Liwliawa, sinasama rin nila si Uly kapag lumalabas sila kaya parang normal lang na sa mga bata na naglalaro. – FRJ GMA News
