Apat katao ang patay matapos magkasagupa ang isang armadong grupo at mga pulis sa Banisilan, Cotabato.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng Banisilan Municipal Police na isisilbi sana nitong Miyerkoles ang arrest warrant sa grupo ni Medalya Sultan Tidong, alyas “Commander Tanda.”
Pero namaril umano ang grupo at nagsitakas. Hanggang sa muling magka-engkuwentro ng mga pulis ang mga suspek at napatay ang ilang miyembro grupo.
Patuloy ang ginagawang pagtugis sa iba pa nilang mga kasamahan.
Kabilang umano ang grupo sa support network ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group na pinaniniwalaang kumukuha ng pondo galing sa ilegal na droga at iba pang gawaing kriminal.—Jamil Santos/FRJ GMA News
