Mahaharap sa asunto ang isang 50-anyos na lalaki matapos umanong halayin ang isang asong Dachshund sa Tacloban City.
Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkoles, sinabing nangyari ang insidente sa bahay ng nagrereklamo sa Barangay 69, Anibong.
Sa imbestigasyon ng pulisya, inimbitahan umano ng nagrereklamo ang suspek sa bahay upang makipag-inuman. Habang nag-iinuman, nagpaalam umano ang lalaki na gagamit ng banyo.
Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ang mga rakatira sa bahay ng iyak ng kanilang alagang aso na Dachshund.
Agad nilang pinuntahan ang pinanggagalingan ng ingay at nahuli umano ang suspek habang isinasagawa ang sekswal na pang-aabuso sa aso.
Ayon pa sa pulisya, nagtamo ng mga sugat sa bahagi ng ari ang alagang aso.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998. – FRJ GMA News

