Isang lalaki na maghahatid ng parcel ang nasawi matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Roxas, Capiz. Kabilang sa tinitingnang motibo sa krimen ng mga awtoridad-- ang “mistaken identity.”
Batay sa impormasyon mula sa GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing sakay ng kaniyang tricycle ang biktima at maghatid ng parcel nang tambangan siya ng mga salarin.
Kagad na nasawi ang biktima sa pinangyarihan ng krimen dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa likod.
Kasama sa mga tinitingnang ng mga awtoridad sa motibo sa krimen ang mistaken identity.
Wala ring nawawalang pera at gamit ng biktima na tinangay ng mga salarin.
Patuloy ang imbestigasyon at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin.—Jamil Santos/FRJ GMA News
