Sakaling naglalakad sa hallway ng condo building at may nakasalubong na nag-aamok na armado ng patalim, ano ang dapat mong gawin? Alamin ang ilang safety tip na hatid ng programang "Unang Hirit."
Ayon kay Capt. Joebert Tolentino, ng Disaster and Emergency Responders International, kung walang sapat na kaalaman sa pagdepensa sa sarili, ang unang dapat gawin ay lumayo sa nag-aamok at magtago para malayo sa kapahamakan.
Gayunman, kung nasa gipit nang kalagayan, ilang paraan ang maaaring magamit upang maipagtanggol ang sarili gamit ang anumang bagay na hawak. Panoorin ang kanilang safe tips:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ/KVD, GMA News
