Naglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Washington at ang Philippine Consulate General sa New York, upang paalalahanan ang mga komunidad ng mga Pilipino sa ilang bahagi ng Amerika na maghanda sa paparating na snowstorm.
"Filipino communities in the South, Midwest, and Northeast are advised to undertake all necessary preparations and heed the warnings of local officials as an approaching snowstorm to these regions could bring heavy snow, dangerous travel conditions, and extreme cold this weekend," saad sa pahayag ng Philippine Embassy.
"The safety of Filipino nationals is the Embassy’s priority. Please monitor local weather updates, prepare for cold temperatures, and limit travel during the storm," dagdag nito.
Iniulat ng Reuters na inaasahang makakaranas ng pagkaantala sa biyahe, pagkawala ng kuryente, at napakalamig na temperatura ang humigit-kumulang 150 milyong American simula Biyernes hanggang sa buong weekend, dahil sa matinding bagyo sa US na may kasamang matinding buhos ng niyebe mula sa Central Plains hanggang East Coast, ayon sa National Weather Service.
Nag-post din ang Embahada sa Washington ng mga numero ng telepono para sa consular emergencies: 202-368-2767 o 202-769-8049.
Para naman sa mga nangangailangan ng agarang tulong, maaaring tawagan ang hotline ng Konsulado sa +1 (917) 294-0196. — FRJ GMA Integrated News
