Duguan, nakabalot sa kahon at sako at nakasilid sa plastic drum nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang bangin sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na nakita ang drum ng mga batang nangangalakal sa Barangay San Jose.
Pagkabukas sa drum, doon na tumambad ang duguang katawan ng biktima.
May taas na limang talampakan ng babae, may tattoo sa hita at nakasuot ng puting pang-itaas at maong na short.
Patuloy na tinutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
Maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Antipolo Police ang mga pamilyang nawawalan ng kaanak. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
