Isang bangkay ng lalaki ang nakasama sa mga basura na sinasala sa pumping station sa Quiapo, Maynila nitong Biyernes ng hapon.
Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabing mag-aahon sana ng mga basura sa pumping station nang makita ng tauhan nito ang nakadapang bangkay na nakalutang sa Estero de San Miguel.
Tinatayang nasa 40-50-taong-gulang ang bangkay na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.
Kaagad umanong nakipag-ugnayan ang MMDA sa Station 14 ng Manila Police District para magsagawa ng imbestigasyon. – FRJ GMA Integrated News

