Kahit namuhay sa lansangan, hindi nawalan ng pag-asa si Danilo Macababbad at patuloy na nakipagsapalaran sa buhay. Hanggang sa isang araw, dumating ang tamang pagkakataon upang makapasok siya sa isang maayos na trabaho bilang call center agent na nagpabago sa kaniyang kapalaran. Panoorin at kapulutan ng aral ang kaniyang buhay sa programang "Front Row."
Ayon kay Danilo, naging laman siya ng lansangan nang magpasya siyang umalis sa inuupahan niyang bahay nang hindi na siya makapagbayad ng renta. Sa halip na palayasin siya, siya na mismo ang umalis at tumira sa mga bangketa at itinaguyod ang sarili para mabuhay.
Ngayong nakabangon na, hindi nakakalimutan ni Danilo na tumutulong sa mga street dweller dahil batid niya ang buhay ng mga ito na kaniya mismong naranasan.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
