Matapos ang mahigit apat na dekada, magbabalik na ang Birhen sa Cotta sa kaniyang tunay na tahanan sa Immaculate Conception Cathedral sa Ozamiz sa Misamis Occidental. Panoorin kung paano muling natagpuan ang sinasabing milagrosong imahen na misteryosong nawala sa simbahan noong 1975.
Ayon sa antique dealer na si JV Esposo, nabili niya ang imahen ng Birhen sa Cotta sa isang auction sa Maynila. Napamahal daw agad sa kaniya ang naturang imahen at napagtanto rin na mas nararapat ito sa tamang lugar at hindi lang sa isang bahay na dinadaan-daanan.
Nang lumabas sa social media ang mga larawan ng imahen nang minsan makasama sa isang art exhibit, napansin kaagad ng mga deboto at nagkaroon ng malakas na paniwala na ito ang Birhen sa Cotta na matagal na nilang hinahanap.
Nang makumpirma na ang imahen na nasa pangangalaga ni JV ang nawawalang Birhen sa Cotta, hindi niya ipinagkait na hindi ito makauwi sa kaniyang orihinal na tahanan sa Ozamiz.
Panoorin ang paglalakbay ng Birhen sa Cotta at ang emosyonal na pagsalubong sa kaniya ng mga deboto na tinutukan ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho:"
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
