Usap-usapan ngayon ang tinatawag na 'Keto diet' na isang paraan umano para pumayat.  At dahil bagong taon at katatapos lang ang holiday season, tiyak na marami sa mga nagnanais na magbawas ng timbang ang nakaiisip na subakan ang kakaibang diyeta na ito na hindi bawal lantakan ang mga karne gaya ng lechon.

Pero bago ito gawin, panoorin muna ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" upang malaman ang paliwanag ng ilang ekperto kung sino ang mga hindi puwedeng mag-keto diet at ano ang umano'y mga side effect ng naturang uri ng pagdidiyeta.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News