Pinayuhan ng resident doctor ng programang "Pinoy MD" ang isang netizen na nagtanong tungkol sa bukol na nakapa niya sa ilalim ng kilikili na hindi niya ito dapat balewalain at makabubuting magpunta sa ospital para masuri. Alamin kung bakit.
Nais malaman ng netizen na nagpadala ng tanong kung cyst kaya ang bukol na nakapa niya sa ilalim ng kaniyang kilikili.
Paliwanag ni Dr. Raul Quillamor, marami ang maaaring dahilan ng bukol sa kilikili.
Puwede umanong itong cyst, at maaari ding Folliculitis, o impeksiyon na dulot ng pagbunot ng buhok sa kilikili.
Maaari rin umanong kulane ang bukol na indikasyon na may impeksyon sa kaniyang kamay o balikat o sa dibdib, o kung may malignancy sa kaniyang suso.
Kaya naman hindi raw dapat balewalain ang bukol sa ilalim ng kilikili dahil maraming posibleng dahilan ng paglabas nito kaya mahalagang magpatingin ng personal sa duktor.
Alamin din ang paliwanag ni Dr. Quillamor sa iba pang padalang tanong ng netizen tulad ng kaugnayan ng pagkakaroon ng taghiyawat sa pagbubuntis, at ang hindi pagkakaroon ng "buwanang dalaw" ng babaeng nanganak noong Disyembre.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
