Sa isang pag-aaral ng Philippine Rice Research Institute, tinatayang libu-libong kilo ng bigas ang nasasayang sa Pilipinas bawat taon. At habang marami ang naaksayang pagkain, may mga kababayan naman tayo na kapos sa pagkain tulad ni Reymar na buto't balat na dahil sa severe malnutrition.
Panoorin ang pagtutok ng programang "Front Row" sa kalagayan ng 16-anyos na si Reymar, na dating puno ng sigla at saya pero ngayon ay iginupo na ng karamdaman dahil sa matinding malnutrisyon.
Masakit para sa isang magulang tulad ni Mang Eduardo na makitang nahihirapan ang kaniyang anak dahil sa karamdaman. Alamin kung paano niya pinapagaan ang kalagayan ng kaniyang mahal na anak?
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
