Sa kabila ng pagdududa ng ilan, nananatiling matatag ang paniniwala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na pinaglagyan ng droga ang apat na magnetic lifter na nakita nila sa Cavite.
Ang isa sa mga basehan niya, ang ginawang pag-amoy ng kanilang aso na si Odel na itinuturing beterano na sa pagtukoy sa mga itinatagong droga. Panoorin ang video na ito ng "Reporter's Notebook."
Kasabay nito, bakit nga ba kahit sinasabing pinatindi na ng Bureau of Customs ang pagmamanman sa mga pumasok na kargamento sa bansa, bakit patuloy na may nakalulusot na mga iligal na droga sa Pilipinas?
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
