Maraming mga karamdaman umano ang nagagamot ng acupuncture, ayon sa mga eksperto nitong uri ng panggamot na libo-libong taon nang pina-practice sa Tsina.

Sa isang episode ng GMA-7 TV show "iJuander," sinabing ginagawa ang acupuncture sa pamamagitan ng pagtusok ng mga maliliit na karayum sa iba-ibang bahagi ng katawan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa show, ang acupuncture practice ay batay sa theory ng Chinese medicine na may dumadaloy na energy o QI (binibigkas na "chee") sa buong katawan ng tao. Ang mga daluyang ito ay tinatawag na meridians.

At kapag may bara ang daloy ng enerhiya sa katawan, diyan na magsisimulang magkakasakit ang tao. Sa pamamagitan ng acupuncture, o ang pagtusok ng karayum sa tukoy na body points, pinaniniwalang matatanggal ang bara sa duloy sa energy channels at manunumbalik ang balance sa katawan at kalusugan. 

Napapagaling umano ng acupuncture ang migraine, insomnia, stress, asthma, constipation, irregular menstruation, dysmenorrhea, irregular heartbeat, at marami pang iba.

Nakasulat ang teyorya at practice ng acupuncture sa Chinese classic on internal medicine, isang dokumento na naisulat noon pang 100 BCE (Before the Common Era o Before Christ).

Ayon kay Chinese Dr. Lee In Soo, na may acupuncture clinic sa Quezon City, aabot sa 15 minutes ang isang acupuncture session. —LBG, GMA News