Batay sa datos ng Bureau of Fire Protection, umabot sa halos 1,000 insidente ng pagkasunog ng mga sasakyan ang naitala noong nakaraang taon.  Kadalasang problema umano sa electrical wiring ang pinagmumulan ng pagkasunog ng sasakyan.

Sa video na ito ng programang "Alisto," alamin ang ilang payo ng eksperto kung ano ang mga dapat gawin para maiwasan ang pagkasunog ng sasakyan, at ano ang mga dapat gawin sakaling mangyari na ang hindi inaasahan habang bumibiyahe. Panoorin.



Alamin din ang tamang paraan sa pag-apula sa nasusunog na sasakyan at ang paalala ng eksperto kung bakit dapat laging nasa kondisyon ang sasakyan lalo kapag matindi ang init ng panahon.




Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News