Nang maging mag-asawa sina Lola Nati at Lolo Celestino, una nilang pinangarap ang magkaroon ng sariling bahay na kanila namang natupad. Naging masagana ang kanilang pagsasama at nabiyayaan sila ng tatlong anak. Hanggang sa dumating ang mga pagsubok sa kanilang buhay.

Nang lumaon, napansin nila na kung anong bilis ng pasok ng pera ay mabilis ding nawawala. Isa-isa ring pumanaw ang kanilang tatlong anak. May kinalaman nga ba ang posisyon ng kanilang bahay sa mga nangyaring trahediya sa kanilang buhay?

Malas nga bang magkakatapat ang mga bintana, at maging ang hagdan at pintuan?  Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

 

--FRJ, GMA News