Sa programang "Pinoy MD," isang netizen ang nagtanong kung may kinalaman ba sa kalusugan ng tao ang madalas na pag-utot.

Ayon sa resident doctor ng programa na si Dr. Isaac David Ampil II, Oncologist, normal na proseso ng katawan ang maglabas ng hangin sa paraan ng pag-utot.

"Farting is a normal process of digestion," saad ni Ampil, "Way yun para ma- expend the excessive air na nire-release sa pag-digest ng pagkain."

Mayroon umanong mga pag-aaral na nagsasabi na ang normal na pag-utot ay 17 hanggang 23 ulit sa isang araw.

"So normal yung pag-utot pero 'pag sumobra siya, it may be a sign na may problema ka sa digestion," paliwanag niya.

"Pangalawa baka naman sobra yung diet mo sa mga complex carbohydrates, yung mga kamote saka yung ibang mga patatas. Kasi kapag 'yan ay dina-digest ng katawan nagre-release talaga ng gas, at yung gas na 'yon lumalabas talaga pagka-farting," patuloy niya.

Kung sobra na talaga ang dami ng pag-utot, ipinayo ni Ampil na makabubuting kumonsulta sa gastroenterologist para masuri ang digestive system.

Alamin ang iba pang tanong ng netizens na sinagot sa programa tungkol sa kalusugan tulad ng mga bukol na tumutubo sa katawan at UTI. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News