Sa loob ng tatlong dekada, lumaking walang ama sina Sandy, Marianne at Marissa dahil inakala nilang kabilang ang kanilang padre de familia sa mga natabunan sa pagguho ng bundok sa pinagtatrabahuhan niyang minahan.

Kaya sa loob ng 30 taon, wala nang nabalitaan ang magkakapatid tungkol sa kanilang ama kaya isinasama na nila ito sa panalangin ng mga mahal nila sa buhay na pumanaw na. Pero kamakailan lang, isang tawag sa cellphone ang kanilang natanggap mula sa isang lalaki na nagpakilalang tatay nila.

Ang tatay nga kaya nila ang tumawag sa kanila? Ano kaya ang magiging reaksyon ng magkakapatid? Mapatawad kaya nila ang ama na sa loob ng 30 taon na hindi nila nakasama sa kanilang paglaki. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News