Nilinaw na ni Eman Bacosa Pacquiao ang tungkol sa nakaraan niyang “cryptic post,” pati na rin ang pag-alis niya ng inisyal na “JW,” na hinala ng ilang netizens na patungkol kay Jillian Ward.
“Natuwa lang po ako sa post,” sabi ni Eman sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.
“Tsaka naisip ko po na maraming makaka-relate po du’n. Siyempre lalo na sa mga cousins mo, kung may cousin kang babae o kapatid na babae,” pagpapatuloy niya.
“Parang you're just being protective,” sabi pa ni Eman.
Matatandaang nag-post ang 22-anyos na boksingero ng cryptic post na “I can fight 100 men who wants you, but I can't fight a guy who you want" noong nakaraang buwan.
Nauna na niyang sinabi na wala siyang partikular tao na pinatutungkulan kundi tungkol ito sa kaniyang pamilya at mga kaibigan.
Tungkol naman sa pag-alis ng “JW” na may heart sa kaniyang bio sa Tiktok, paliwanag ni Ema: “Tinanggal ko lang po 'yun kasi nandu’n po ‘yun iniisip ng tao si Jillian, na-a-associate sa kaniya. Kaya since we're good friends, tinanggal ko po 'yun kasi ayaw ko siya magkaroon ng issue.”
Noong nakaraang Nobyembre, inamin ni Eman na crush niya si Jillian, na personal niyang nakilala rin sa nasabing buwan.
Sumama naman at personal na nanood si Jillian sa nakaraang laban ni Eman sa boxing sa Bohol.
Napanonood si Eman sa “Never Say Die,” kasama sina Jillian, David Licauco, Raheel Bhyria, at Kim Ji Soo. – Jamil Santos/FRJ GMA News
